On September 19, 2016 at 2 in the afternoon, the Mayor Rodrigo “Cocoy” Rafael led the Program on

Noong ika-19 ng Setyembre 2016 sa ganap na alas-2 ng hapon pinangunahan ni Mayor Rodrigo “Cocoy” Rafael ang Panunumpa ng Pagsuporta Laban sa Droga dito sa Natividad, Pangasinan.  Kasama ng ating butihing Mayor ang ating Vice Mayor Aresnio”Arsing” Medrano at mga miyembro ng ating Sangguniang Bayan.  Dumalo rin ang mga LGU Department Heads, mga Punong Barangay at mga kasapi ng Barangay Anti-Drug Abuse Council.

Ang Natividad PNP ang naguna at nag-organisa ng  kaganapang ito, na pinangungunahan ni PSI Ernie Cruz. Binigayang diin sa pagtitipon na ito ang mahalagang tungkulin ng mga public servants sa kampanya laban sa droga.  At higit sa lahat ang pagtutulungan ng bawat isa upang ang Natividad ay maging “drug-free” community.